
Ligaw o Ligaw’?
“Mahal kita!”,’yan ang sabi n’ya.
Oh bakit tila ba, ika’y nahumaling na?
Pangangaral sa iyo’y, Nalimutan mo na ba?
Anong pakikisama, ng kambing at tupa?
Ipagpapalit mo ba, ang Diyos na sinasamba?
Ipagsasapalaran, kahalalang dala-dala?
Kung ako sa iyo’y, Mag isip-isip ka.
Pagkat ‘di s’ya kapanalig, Diyos niya’y iba.
Balik-tanawin, nakaraang pangyayari.
Kung paanong nagkasala, ang ibang itinangi.
Sa labas ng Bayan, Sila ay nagsipili.
Pinagpalit ang Diyos, nagtaksil sa lipi.
Hindi pinakundanganan, at sila’y hinatulan.
Pagkat pinili nilang sa iba’y makipamayan.
Ano ang resulta, ano ang hantungan?
Dahil sa maling pag-ibig, hinarap ang libingan.
Pag-isipang mabuti bago ka manligaw,
Bago magpaligaw, nang ‘wag maligaw.
Kung puso mo man, sa pag-ibig ay uhaw.
‘Wag ang ipainum, alak ng pagkagunaw.
Kaya mga Kapatid, ‘wag kayong padadaya.
‘Wag piliin ang mukha kay sa pananampalataya.
Wala namang pangit, sa gawa ng May Likha.
Kung mayroon mang pangit, ‘yon ang pusong masama.
By: Clifford Vine C. Pia