"TULANG-KATHA"
100% SARILING AKIN
WELCOME POH!!!
A poet's work is to name the unnameable, to point at frauds, to take sides, start arguments, shape the world, and stop it going to sleep.
SALMAN RUSHDIE, London Independent, Feb. 18, 1989
Miyerkules, Setyembre 12, 2012
Ligaw o Ligaw’?
“Mahal kita!”,’yan ang sabi n’ya.
Oh bakit tila ba, ika’y nahumaling na?
Pangangaral sa iyo’y, Nalimutan mo na ba?
Anong pakikisama, ng kambing at tupa?
Ipagpapalit mo ba, ang Diyos na sinasamba?
Ipagsasapalaran, kahalalang dala-dala?
Kung ako sa iyo’y, Mag isip-isip ka.
Pagkat ‘di s’ya kapanalig, Diyos niya’y iba.
Balik-tanawin, nakaraang pangyayari.
Kung paanong nagkasala, ang ibang itinangi.
Sa labas ng Bayan, Sila ay nagsipili.
Pinagpalit ang Diyos, nagtaksil sa lipi.
Hindi pinakundanganan, at sila’y hinatulan.
Pagkat pinili nilang sa iba’y makipamayan.
Ano ang resulta, ano ang hantungan?
Dahil sa maling pag-ibig, hinarap ang libingan.
Pag-isipang mabuti bago ka manligaw,
Bago magpaligaw, nang ‘wag maligaw.
Kung puso mo man, sa pag-ibig ay uhaw.
‘Wag ang ipainum, alak ng pagkagunaw.
Kaya mga Kapatid, ‘wag kayong padadaya.
‘Wag piliin ang mukha kay sa pananampalataya.
Wala namang pangit, sa gawa ng May Likha.
Kung mayroon mang pangit, ‘yon ang pusong masama.
By: Clifford Vine C. Pia
Biyernes, Oktubre 28, 2011
"Ang Aking Pangarap"
Mahabang lakbayin ay tatahakin.
Mangungulila man, Kapalit ng mithiin.
Aasang matatamo, Sarili'y ihabilin.
Pagkat ang Diyos ay matuwid at mahabagin.
S'yang tumatawag at nagbibigay liwanag.
Kaya wala ngang bahid ng pagkabagabag.
Buhay ko'y ihahandog, May buong panatag.
Pagkat sa aki'y umabot, Ang kanyang pagtawag.
Sa aking pag-aaral, Siya'y magiging tanglaw.
Ililigtas nya ako, Sa gutom at uhaw.
Ako'y panatag, Tagumpay abot tanaw.
Suot ang uniporme, Hanggang sa aking pagpanaw.
At sa sandaling dalawin, Ng lungkot at lumbay.
Ako'y aaliwin, Ng Espiritung taglay.
Magiging matatag, Buong sarili iaalay.
Masunod lang ang gampanin, Na sa akin ibinigay.
At sa pagdating ng araw, Na ako'y haharap.
Sa dakong may tipan, Na may buong galak.
'Di pahahadlang, Sa dagok ng hirap.
Ang maging Saserdote, Ang s'ya kong pangarap.
By: Ka Clifford Vine C. Pia
"Pikit-Mata"
Sa mundong ibabaw, Kay lungkot ng buhay.
Sa hirap at pagod, Mistulang nakaratay.
Saan ka lilingon? Sinong aalalay?
Ikaw ay pumikit, At iyong isaysay.
Sa tuwing ang paligid, Balot ng pasakit.
Sinong tatawagin? Kanino kakapit?
'Wag kang matatakot! Mata mo'y ipikit.
At hayaang ang Diyos, Gumawa ng pagpihit.
Kung ang sinag ng araw, Mapalitan ng dilim.
Na tila mundo'y, Sadyang karimarimarim.
At kung mata mo'y, Mistula'y may piring.
Ikaw ay pumikit, Tumawag ng taimtim.
At sa sandaling buhay mo'y lamunin ng lupa.
Ika'y nakapikit, May buong payapa.
Pagkat pikit-mata ka, Niyang nakita.
Ihahatid ka nya, Sa bayang walang pag-luha.
Doon mo makikita, Tunay na tahanan.
Na 'di nakikita ng matang may alinlangan.
Doon mata mo'y, 'Di na mahihirapan.
Pagkat mga luha, Kanyang pupunasan.
Kaya ika'y pumikit, Takasan ang mundo.
Lakbayin ng diwa, Hanapin ng puso.
Ang Bayang payapa, Nang 'yong mapagtanto.
Pikit-matang nasahin, Ang lupang pangako.
By: Clifford Vine C. Pia
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)