WELCOME POH!!!
A poet's work is to name the unnameable, to point at frauds, to take sides, start arguments, shape the world, and stop it going to sleep.
SALMAN RUSHDIE, London Independent, Feb. 18, 1989
Biyernes, Oktubre 28, 2011
"Pikit-Mata"
Sa mundong ibabaw, Kay lungkot ng buhay.
Sa hirap at pagod, Mistulang nakaratay.
Saan ka lilingon? Sinong aalalay?
Ikaw ay pumikit, At iyong isaysay.
Sa tuwing ang paligid, Balot ng pasakit.
Sinong tatawagin? Kanino kakapit?
'Wag kang matatakot! Mata mo'y ipikit.
At hayaang ang Diyos, Gumawa ng pagpihit.
Kung ang sinag ng araw, Mapalitan ng dilim.
Na tila mundo'y, Sadyang karimarimarim.
At kung mata mo'y, Mistula'y may piring.
Ikaw ay pumikit, Tumawag ng taimtim.
At sa sandaling buhay mo'y lamunin ng lupa.
Ika'y nakapikit, May buong payapa.
Pagkat pikit-mata ka, Niyang nakita.
Ihahatid ka nya, Sa bayang walang pag-luha.
Doon mo makikita, Tunay na tahanan.
Na 'di nakikita ng matang may alinlangan.
Doon mata mo'y, 'Di na mahihirapan.
Pagkat mga luha, Kanyang pupunasan.
Kaya ika'y pumikit, Takasan ang mundo.
Lakbayin ng diwa, Hanapin ng puso.
Ang Bayang payapa, Nang 'yong mapagtanto.
Pikit-matang nasahin, Ang lupang pangako.
By: Clifford Vine C. Pia
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento