Ang lupa ay binalot ng lagim at sakuna,
Na mistulang nilamon ng piligro at banta.
Nagkalat ang delubyo at gawang mapamuksa,
At ang langit at lupa, sa apoy inihanda.
Ang hanging may lason na labis na makamandag.
Ang sisira sa lipunan at s'ya ring bibihag.
Maging sa mga hayop,iyong maaaninag.
Mababakas ang takot, piligro at bagabag.
At ang bawat pangyayaring binatbat ng hula,
Na dadanak ang dugo at papatak ang luha.
At kahit saang sulok ay iyong makikita.
Digmaan at karahasan, mundo'y 'di payapa.
'Wag na nating hintaying sitwasyo'y bumuti pa.
Bago pa magtapat sa paglilingkod sa Ama.
Sa nalalabing oras tayo ay magtalaga,
Si Cristo ay darating, nasa pintuan na nga.
-By: Clifford Vine C. Pia
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento