“LAMIG”
Nakalulungkot isiping, Damdamin ay lumalayo.
Nasaan ang ngiti? Kasiglaha’y naglaho.
Ang dating samahan, Bakit biglang nabago?
‘Di na gaya ng dati, Ang ‘yong pakikitungo.
Ating pinag-samahan, subukang tanawin.
Diba’t naging ka-isa, sa lahat ng Gawain?
Ang tayo’y mabahagi, Yan ba ang ‘yong layunin?
Sila-sila, tayo-tayo, o kaya atin-atin.
Subukang balikan, ‘Nung ika’y masigla pa.
Diba’t ‘di nababakas, Larawan ng pangamba?
Naalala ko pa nga, Lagi kitang kasama.
At sa kapisanan, Ika’y nakiisa.
Sama ba ng loob, Ang naging dahilan?
Kaya ka lumayo at ‘di nagparamdam?
O, Baka akala mo, Sayo’y walang paki-alam.
Namimiss ka na namin! ‘Di mo lang alam.
Kaya ako sumulat, Nitong simpleng tula.
Upang sayo’y sabihing, Muli kang magsimula.
Lingunin mo kami, At ika’y mag-umpisa.
Subukang ibalik, Ang nawalang sigla.
By: Clifford Vine C. Pia
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento