"Ang Mapalayo Sa Aking Pamilya"
(by: Clifford Vine C. Pia)
O bakit puso ko, ngayo'y nangungulila?
Pumapatak ang luha, na parang mga tala.
Aliwin man ang sarili, ngunit 'di makuha.
Sadyang kay lungkot, palaging tulala.
Iniisip kalagayan, ni Ina't Ama.
Ako man ay wala, sa piling nila.
Naaalala ko pa, noong ako ay bata.
Kanilang pinapatahan, 'wag lang lumuha.
Ang duyang kinagisnan, na kanilang inuuyog.
Kahit malalim na ang gabi, Ako lang ay mapatulog.
Karga-karga ni Inang, 'wag lang mahulog.
Kinukumutan, niyayakap sa gitna ng Hamog.
Ngayong malaki na, Ako man ay malaya.
Si Ama at Ina, ay nais kong makita.
Gusto kong yakapin, samahan sa pagtanda.
Pagkat Ako'y inalagaan, 'Di sila nagsawa.
"Inay at Itay", Namimiss ko kayo.
'Di pala biro ang sa inyo'y mapalayo.
Akala ko dati, kaya ko na'ng tumayo.
Salamat sa lahat, ng mabubuting payo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento