WELCOME POH!!!

A poet's work is to name the unnameable, to point at frauds, to take sides, start arguments, shape the world, and stop it going to sleep.
SALMAN RUSHDIE, London Independent, Feb. 18, 1989

Miyerkules, Oktubre 19, 2011






















Kayamanang Panandalian”
(by: Clifford Vine C. Pia)
 
Ako’y may kayamanang, Itinago’t iningatan.
May selyo ng mga luha, Kandado ay sumpaan.
Ibinaon pa sa lupa, At aking tinabunan.
Idinilig man ay luha, Sarili’y tinalikuran.
 
Ako ma’y lumayo, At landas ay tinahak.
Ala-ala ng lumipas, Sa puso’y naitambak.
Nang sa pagbabalik ko’y, Mayroon syang galak.
Matapos tabunan, Tinaniman ng bulaklak.
 
Umaasang may bukas, Na muling masilayan.
Marikit na bulaklak, Na syang aking kayamanan.
Ngunit ako’y nagulat, Nang aking malaman.
Bulaklak na iniwan, Nalantang tuluyan.
 
At ang masakit, Iba na ang may-ari.
Ng kayamanang binaon, Na dati’y pag-aari.
Naiwan ay kadena, Na sya kong bahagi.
Na dati sa aming dalawa’y nakatali.
 
At ang kandadong minsan ng nasira,
Pilit inaayos habang lumuluha.
Ito ba ang kapalit ng pangungulila?
Nasaan ang pangako, At iyong tiwala?
 
Kaya nasabi kong, “Ayaw ko ng masaktan.”
Binaon kong kayamanan,Ngayon ay nasaan?
Taon ang hinintay, Ikaw lang ay mahagkan.
Wala na ang kinang, At ngayo’y narimlan.

Walang komento:

Maganda ba?