" UUWI NA AKO "
(Malapit Na)
Sa tuwing dinadalaw, ng lungkot at lumbay.
Ang puso kong mahina, pighati ang taglay.
Sa tuwing bugbog sa hirap, pasakit ng buhay.
Tumutulong mga luha, Paghikbi ang patunay.
Laging sinasabi, " Ako'y mayroong tahanan ".
Na doo'y walang pagluha, pasakit, kalumbayan.
Ako ma'y ma-ulila, walang alinlangan.
Andyan naman kayo, pagdating ko sa Bayan.
Sa paglalakbay ko, pagsubok ma'y umusbong.
Hindi aatras, susuko't uurong.
Sa aking panalangin, akin ngang naibulong.
"Sunduin mo na ako't, sayo'y sasalubong".
At kapag binabasa, Pangako sa talata.
Hindi ko mapigil, na tumulo ang luha.
O kay sarap isiping, mamuhay ng payapa.
At ang Panginoon, akin ngang makita.
At sa kawakasan, Ako'y magwawagi!
'Yan ang sigaw ng pusong nagpupunyagi.
Pangakong kaligtasan, akin ngang minimithi,
At sa Tunay na Bayan, "Ako'y uuwi".
By: Clifford Vine Pia
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento