WELCOME POH!!!

A poet's work is to name the unnameable, to point at frauds, to take sides, start arguments, shape the world, and stop it going to sleep.
SALMAN RUSHDIE, London Independent, Feb. 18, 1989

Biyernes, Oktubre 28, 2011



















‎"Ang Aking Pangarap"

Mahabang lakbayin ay tatahakin.
Mangungulila man, Kapalit ng mithiin.
Aasang matatamo, Sarili'y ihabilin.
Pagkat ang Diyos ay matuwid at mahabagin.

S'yang tumatawag at nagbibigay liwanag.
Kaya wala ngang bahid ng pagkabagabag.
Buhay ko'y ihahandog, May buong panatag.
Pagkat sa aki'y umabot, Ang kanyang pagtawag.

Sa aking pag-aaral, Siya'y magiging tanglaw.
Ililigtas nya ako, Sa gutom at uhaw.
Ako'y panatag, Tagumpay abot tanaw.
Suot ang uniporme, Hanggang sa aking pagpanaw.

At sa sandaling dalawin, Ng lungkot at lumbay.
Ako'y aaliwin, Ng Espiritung taglay.
Magiging matatag, Buong sarili iaalay.
Masunod lang ang gampanin, Na sa akin ibinigay.

At sa pagdating ng araw, Na ako'y haharap.
Sa dakong may tipan, Na may buong galak.
'Di pahahadlang, Sa dagok ng hirap.
Ang maging Saserdote, Ang s'ya kong pangarap.


By: Ka Clifford Vine C. Pia
















‎"Pikit-Mata"

Sa mundong ibabaw, Kay lungkot ng buhay.
Sa hirap at pagod, Mistulang nakaratay.
Saan ka lilingon? Sinong aalalay?
Ikaw ay pumikit, At iyong isaysay.

Sa tuwing ang paligid, Balot ng pasakit.
Sinong tatawagin? Kanino kakapit?
'Wag kang matatakot! Mata mo'y ipikit.
At hayaang ang Diyos, Gumawa ng pagpihit.

Kung ang sinag ng araw, Mapalitan ng dilim.
Na tila mundo'y, Sadyang karimarimarim.
At kung mata mo'y, Mistula'y may piring.
Ikaw ay pumikit, Tumawag ng taimtim.

At sa sandaling buhay mo'y lamunin ng lupa.
Ika'y nakapikit, May buong payapa.
Pagkat pikit-mata ka, Niyang nakita.
Ihahatid ka nya, Sa bayang walang pag-luha.

Doon mo makikita, Tunay na tahanan.
Na 'di nakikita ng matang may alinlangan.
Doon mata mo'y, 'Di na mahihirapan.
Pagkat mga luha, Kanyang pupunasan.

Kaya ika'y pumikit, Takasan ang mundo.
Lakbayin ng diwa, Hanapin ng puso.
Ang Bayang payapa, Nang 'yong mapagtanto.
Pikit-matang nasahin, Ang lupang pangako.


By: Clifford Vine C. Pia

Biyernes, Oktubre 21, 2011




"Haloween daw?"
Noong ako ay bata, Agad napaniwala.
Mali ang naging aral, Mali din ang akala.
Akalang ang "Dasal" , At "Pag-tirik ng kandila".
Ang s'yang dapat iukol, sa taong namayapa.

Binulag ang isipan, Itinanim ay katha.
Ng gawang malabagin, Sa "Pagano" nag-mula.
Tatlo raw ang hantungan, May "Purgatoryo" ika nga.
Ngunit suriin ang Biblia, Walang mabasang talata.

May munti pang kislap, Kalabasang ilawan.
Kanilang binasehan, Lasenggo sa Ireland.
Ito ba ang gawain, Na iyong sinusundan?
Na maging ang Biblia, 'Di naging basehan.

'Di rin malilimutan, Maskarang kumupas man.
Isinuot sa parada, Naka "Costume" sa daan.
Pagtaboy sa kaluluwa, 'Yan daw ang paraan.
Ngunit ang ganyang gawa'y, Isa palang kahangalan.

Kaya payo ko sayo, Ikaw ay mag-ingat.
Ikaw ay mag-suri, Alamin ang ugat.
Tama bang panaligan, Ang isang "Alamat"?
Na sa Banal na Kasulata'y,Tuwirang salungat.
 


By : Clifford Vine C. Pia

Miyerkules, Oktubre 19, 2011






















Kayamanang Panandalian”
(by: Clifford Vine C. Pia)
 
Ako’y may kayamanang, Itinago’t iningatan.
May selyo ng mga luha, Kandado ay sumpaan.
Ibinaon pa sa lupa, At aking tinabunan.
Idinilig man ay luha, Sarili’y tinalikuran.
 
Ako ma’y lumayo, At landas ay tinahak.
Ala-ala ng lumipas, Sa puso’y naitambak.
Nang sa pagbabalik ko’y, Mayroon syang galak.
Matapos tabunan, Tinaniman ng bulaklak.
 
Umaasang may bukas, Na muling masilayan.
Marikit na bulaklak, Na syang aking kayamanan.
Ngunit ako’y nagulat, Nang aking malaman.
Bulaklak na iniwan, Nalantang tuluyan.
 
At ang masakit, Iba na ang may-ari.
Ng kayamanang binaon, Na dati’y pag-aari.
Naiwan ay kadena, Na sya kong bahagi.
Na dati sa aming dalawa’y nakatali.
 
At ang kandadong minsan ng nasira,
Pilit inaayos habang lumuluha.
Ito ba ang kapalit ng pangungulila?
Nasaan ang pangako, At iyong tiwala?
 
Kaya nasabi kong, “Ayaw ko ng masaktan.”
Binaon kong kayamanan,Ngayon ay nasaan?
Taon ang hinintay, Ikaw lang ay mahagkan.
Wala na ang kinang, At ngayo’y narimlan.

















‎" UUWI NA AKO "
(Malapit Na)

Sa tuwing dinadalaw, ng lungkot at lumbay.
Ang puso kong mahina, pighati ang taglay.
Sa tuwing bugbog sa hirap, pasakit ng buhay.
Tumutulong mga luha, Paghikbi ang patunay.

Laging sinasabi, " Ako'y mayroong tahanan ".
Na doo'y walang pagluha, pasakit, kalumbayan.
Ako ma'y ma-ulila, walang alinlangan.
Andyan naman kayo, pagdating ko sa Bayan.

Sa paglalakbay ko, pagsubok ma'y umusbong.
Hindi aatras, susuko't uurong.
Sa aking panalangin, akin ngang naibulong.
"Sunduin mo na ako't, sayo'y sasalubong".

At kapag binabasa, Pangako sa talata.
Hindi ko mapigil, na tumulo ang luha.
O kay sarap isiping, mamuhay ng payapa.
At ang Panginoon, akin ngang makita.

At sa kawakasan, Ako'y magwawagi!
'Yan ang sigaw ng pusong nagpupunyagi.
Pangakong kaligtasan, akin ngang minimithi,
At sa Tunay na Bayan, "Ako'y uuwi".


By: Clifford Vine Pia

"Ang Mapalayo Sa Aking Pamilya"
  (by: Clifford Vine C. Pia)


O bakit puso ko, ngayo'y nangungulila?
Pumapatak ang luha, na parang mga tala.
Aliwin man ang sarili, ngunit 'di makuha.
Sadyang kay lungkot, palaging tulala.

Iniisip kalagayan, ni Ina't Ama.
Ako man ay wala, sa piling nila.
Naaalala ko pa, noong ako ay bata.
Kanilang pinapatahan, 'wag lang lumuha.

Ang duyang kinagisnan, na kanilang inuuyog.
Kahit malalim na ang gabi, Ako lang ay mapatulog.
Karga-karga ni Inang, 'wag lang mahulog.
Kinukumutan, niyayakap sa gitna ng Hamog.

Ngayong malaki na, Ako man ay malaya.
Si Ama at Ina, ay nais kong makita.
Gusto kong yakapin, samahan sa pagtanda.
Pagkat Ako'y inalagaan, 'Di sila nagsawa.

"Inay at Itay", Namimiss ko kayo.
'Di pala biro ang sa inyo'y mapalayo.
Akala ko dati, kaya ko na'ng tumayo.
Salamat sa lahat, ng mabubuting payo.






Maganda ba?