WELCOME POH!!!
A poet's work is to name the unnameable, to point at frauds, to take sides, start arguments, shape the world, and stop it going to sleep.
SALMAN RUSHDIE, London Independent, Feb. 18, 1989
Biyernes, Oktubre 28, 2011
"Ang Aking Pangarap"
Mahabang lakbayin ay tatahakin.
Mangungulila man, Kapalit ng mithiin.
Aasang matatamo, Sarili'y ihabilin.
Pagkat ang Diyos ay matuwid at mahabagin.
S'yang tumatawag at nagbibigay liwanag.
Kaya wala ngang bahid ng pagkabagabag.
Buhay ko'y ihahandog, May buong panatag.
Pagkat sa aki'y umabot, Ang kanyang pagtawag.
Sa aking pag-aaral, Siya'y magiging tanglaw.
Ililigtas nya ako, Sa gutom at uhaw.
Ako'y panatag, Tagumpay abot tanaw.
Suot ang uniporme, Hanggang sa aking pagpanaw.
At sa sandaling dalawin, Ng lungkot at lumbay.
Ako'y aaliwin, Ng Espiritung taglay.
Magiging matatag, Buong sarili iaalay.
Masunod lang ang gampanin, Na sa akin ibinigay.
At sa pagdating ng araw, Na ako'y haharap.
Sa dakong may tipan, Na may buong galak.
'Di pahahadlang, Sa dagok ng hirap.
Ang maging Saserdote, Ang s'ya kong pangarap.
By: Ka Clifford Vine C. Pia
"Pikit-Mata"
Sa mundong ibabaw, Kay lungkot ng buhay.
Sa hirap at pagod, Mistulang nakaratay.
Saan ka lilingon? Sinong aalalay?
Ikaw ay pumikit, At iyong isaysay.
Sa tuwing ang paligid, Balot ng pasakit.
Sinong tatawagin? Kanino kakapit?
'Wag kang matatakot! Mata mo'y ipikit.
At hayaang ang Diyos, Gumawa ng pagpihit.
Kung ang sinag ng araw, Mapalitan ng dilim.
Na tila mundo'y, Sadyang karimarimarim.
At kung mata mo'y, Mistula'y may piring.
Ikaw ay pumikit, Tumawag ng taimtim.
At sa sandaling buhay mo'y lamunin ng lupa.
Ika'y nakapikit, May buong payapa.
Pagkat pikit-mata ka, Niyang nakita.
Ihahatid ka nya, Sa bayang walang pag-luha.
Doon mo makikita, Tunay na tahanan.
Na 'di nakikita ng matang may alinlangan.
Doon mata mo'y, 'Di na mahihirapan.
Pagkat mga luha, Kanyang pupunasan.
Kaya ika'y pumikit, Takasan ang mundo.
Lakbayin ng diwa, Hanapin ng puso.
Ang Bayang payapa, Nang 'yong mapagtanto.
Pikit-matang nasahin, Ang lupang pangako.
By: Clifford Vine C. Pia
Biyernes, Oktubre 21, 2011
"Haloween daw?"
Noong ako ay bata, Agad napaniwala.
Mali ang naging aral, Mali din ang akala.
Akalang ang "Dasal" , At "Pag-tirik ng kandila".
Ang s'yang dapat iukol, sa taong namayapa.
Binulag ang isipan, Itinanim ay katha.
Ng gawang malabagin, Sa "Pagano" nag-mula.
Tatlo raw ang hantungan, May "Purgatoryo" ika nga.
Ngunit suriin ang Biblia, Walang mabasang talata.
May munti pang kislap, Kalabasang ilawan.
Kanilang binasehan, Lasenggo sa Ireland.
Ito ba ang gawain, Na iyong sinusundan?
Na maging ang Biblia, 'Di naging basehan.
'Di rin malilimutan, Maskarang kumupas man.
Isinuot sa parada, Naka "Costume" sa daan.
Pagtaboy sa kaluluwa, 'Yan daw ang paraan.
Ngunit ang ganyang gawa'y, Isa palang kahangalan.
Kaya payo ko sayo, Ikaw ay mag-ingat.
Ikaw ay mag-suri, Alamin ang ugat.
Tama bang panaligan, Ang isang "Alamat"?
Na sa Banal na Kasulata'y,Tuwirang salungat.
By : Clifford Vine C. Pia
"Haloween daw?"
Noong ako ay bata, Agad napaniwala.
Mali ang naging aral, Mali din ang akala.
Akalang ang "Dasal" , At "Pag-tirik ng kandila".
Ang s'yang dapat iukol, sa taong namayapa.
Binulag ang isipan, Itinanim ay katha.
Ng gawang malabagin, Sa "Pagano" nag-mula.
Tatlo raw ang hantungan, May "Purgatoryo" ika nga.
Ngunit suriin ang Biblia, Walang mabasang talata.
May munti pang kislap, Kalabasang ilawan.
Kanilang binasehan, Lasenggo sa Ireland.
Ito ba ang gawain, Na iyong sinusundan?
Na maging ang Biblia, 'Di naging basehan.
'Di rin malilimutan, Maskarang kumupas man.
Isinuot sa parada, Naka "Costume" sa daan.
Pagtaboy sa kaluluwa, 'Yan daw ang paraan.
Ngunit ang ganyang gawa'y, Isa palang kahangalan.
Kaya payo ko sayo, Ikaw ay mag-ingat.
Ikaw ay mag-suri, Alamin ang ugat.
Tama bang panaligan, Ang isang "Alamat"?
Na sa Banal na Kasulata'y,Tuwirang salungat.
By : Clifford Vine C. Pia
Miyerkules, Oktubre 19, 2011
“Kayamanang Panandalian”
(by: Clifford Vine C. Pia)
Ako’y may kayamanang, Itinago’t iningatan.
May selyo ng mga luha, Kandado ay sumpaan.
Ibinaon pa sa lupa, At aking tinabunan.
Idinilig man ay luha, Sarili’y tinalikuran.
Ako ma’y lumayo, At landas ay tinahak.
Ala-ala ng lumipas, Sa puso’y naitambak.
Nang sa pagbabalik ko’y, Mayroon syang galak.
Matapos tabunan, Tinaniman ng bulaklak.
Umaasang may bukas, Na muling masilayan.
Marikit na bulaklak, Na syang aking kayamanan.
Ngunit ako’y nagulat, Nang aking malaman.
Bulaklak na iniwan, Nalantang tuluyan.
At ang masakit, Iba na ang may-ari.
Ng kayamanang binaon, Na dati’y pag-aari.
Naiwan ay kadena, Na sya kong bahagi.
Na dati sa aming dalawa’y nakatali.
At ang kandadong minsan ng nasira,
Pilit inaayos habang lumuluha.
Ito ba ang kapalit ng pangungulila?
Nasaan ang pangako, At iyong tiwala?
Kaya nasabi kong, “Ayaw ko ng masaktan.”
Binaon kong kayamanan,Ngayon ay nasaan?
Taon ang hinintay, Ikaw lang ay mahagkan.
Wala na ang kinang, At ngayo’y narimlan.
" UUWI NA AKO "
(Malapit Na)
Sa tuwing dinadalaw, ng lungkot at lumbay.
Ang puso kong mahina, pighati ang taglay.
Sa tuwing bugbog sa hirap, pasakit ng buhay.
Tumutulong mga luha, Paghikbi ang patunay.
Laging sinasabi, " Ako'y mayroong tahanan ".
Na doo'y walang pagluha, pasakit, kalumbayan.
Ako ma'y ma-ulila, walang alinlangan.
Andyan naman kayo, pagdating ko sa Bayan.
Sa paglalakbay ko, pagsubok ma'y umusbong.
Hindi aatras, susuko't uurong.
Sa aking panalangin, akin ngang naibulong.
"Sunduin mo na ako't, sayo'y sasalubong".
At kapag binabasa, Pangako sa talata.
Hindi ko mapigil, na tumulo ang luha.
O kay sarap isiping, mamuhay ng payapa.
At ang Panginoon, akin ngang makita.
At sa kawakasan, Ako'y magwawagi!
'Yan ang sigaw ng pusong nagpupunyagi.
Pangakong kaligtasan, akin ngang minimithi,
At sa Tunay na Bayan, "Ako'y uuwi".
By: Clifford Vine Pia
"Ang Mapalayo Sa Aking Pamilya"
(by: Clifford Vine C. Pia)
O bakit puso ko, ngayo'y nangungulila?
Pumapatak ang luha, na parang mga tala.
Aliwin man ang sarili, ngunit 'di makuha.
Sadyang kay lungkot, palaging tulala.
Iniisip kalagayan, ni Ina't Ama.
Ako man ay wala, sa piling nila.
Naaalala ko pa, noong ako ay bata.
Kanilang pinapatahan, 'wag lang lumuha.
Ang duyang kinagisnan, na kanilang inuuyog.
Kahit malalim na ang gabi, Ako lang ay mapatulog.
Karga-karga ni Inang, 'wag lang mahulog.
Kinukumutan, niyayakap sa gitna ng Hamog.
Ngayong malaki na, Ako man ay malaya.
Si Ama at Ina, ay nais kong makita.
Gusto kong yakapin, samahan sa pagtanda.
Pagkat Ako'y inalagaan, 'Di sila nagsawa.
"Inay at Itay", Namimiss ko kayo.
'Di pala biro ang sa inyo'y mapalayo.
Akala ko dati, kaya ko na'ng tumayo.
Salamat sa lahat, ng mabubuting payo.
Huwebes, Agosto 25, 2011
“LAMIG”
Nakalulungkot isiping, Damdamin ay lumalayo.
Nasaan ang ngiti? Kasiglaha’y naglaho.
Ang dating samahan, Bakit biglang nabago?
‘Di na gaya ng dati, Ang ‘yong pakikitungo.
Ating pinag-samahan, subukang tanawin.
Diba’t naging ka-isa, sa lahat ng Gawain?
Ang tayo’y mabahagi, Yan ba ang ‘yong layunin?
Sila-sila, tayo-tayo, o kaya atin-atin.
Subukang balikan, ‘Nung ika’y masigla pa.
Diba’t ‘di nababakas, Larawan ng pangamba?
Naalala ko pa nga, Lagi kitang kasama.
At sa kapisanan, Ika’y nakiisa.
Sama ba ng loob, Ang naging dahilan?
Kaya ka lumayo at ‘di nagparamdam?
O, Baka akala mo, Sayo’y walang paki-alam.
Namimiss ka na namin! ‘Di mo lang alam.
Kaya ako sumulat, Nitong simpleng tula.
Upang sayo’y sabihing, Muli kang magsimula.
Lingunin mo kami, At ika’y mag-umpisa.
Subukang ibalik, Ang nawalang sigla.
By: Clifford Vine C. Pia
Miyerkules, Agosto 24, 2011
"YAPAK"
Ang lakad ng buhay, Ay hindi madali.
Maraming pagsubok, Hampas sa binti.
Ngunit lakad ng taong nagmamadali,
Kadalasang hantungan, Ay pagkasawi.
At ang Yapak ng marunong, Ay patungong buhay.
Hakbang ng masama, Ay patungong hukay.
Lakad ng matuwid, May uma-alalay.
Hakbang ng masama, Daig pa ang pilay.
Ang bawat paa, Na may tamang daan,
Uuwi't babalik sa kanyang tahanan.
Ngunit paang 'di tiyak, Ang patutunguhan.
Kasama ng daigdig, Sila'y parurusahan.
Kaya lakad mo, Ngayo'y iyong baguhin,
Nang 'wag maapakan, Bitag na malalim.
Lumakad na may ilaw, Liwanag sa dilim.
Nang sa Bayang Banal, Yapak mo'y makarating.
By: Clifford Vine C. Pia
Martes, Agosto 23, 2011
"IDOLATRIYA"
Hindi ka ba nagtataka? Kung ba't sinasamba nila?
Larawang inanyuan, Ang sabi pa'y may himala.
Meron mang mata, 'Di naman nakakakita.
Meron ding bibig, Ngunit pipi ang mistula.
Papano mo sasabihing, Pagsamba mo ay tunay?
Kung niluluhuran mo'y, Kahoy na ina-anay?
Itanong sa Taga-ukit, Pintor, At Panday.
Larawang inanyuan, Kanino ibinatay?
Subukang lingunin, Yaring kapaligiran.
Hindi ba magulo't, Walang kapayapaan?
Oo kaibigan, Ito'y may kinalaman.
Naging isa sa dahilan, Pagsamba sa Larawan.
Kaya alamin mo, At ikaw ay magtanong.
Hanapin ang sagot, At sa puso'y ibulong.
Nang 'di matulad sa kahoy na inukit, ipinatong.
Ngunit natirang piraso, Sa apoy ipang-gagatong.
At huwag kalilimutang, Ikaw ay mag-usisa.
Pagluhod sa imahe, 'Yan nga ba ay tama?
Magsuri... Magsuri! Wala namang mawawala.
Nang 'di ka mahulog, Sa pagkakasala.
By: Clifford Vine C. Pia
Lunes, Agosto 22, 2011
"PANGAKO"
'Di mawari ang saya, nang ika'y makilala.
Inakala man 'nun, ako'y walang pag-asa.
Ngayong nasa akin, 'di na papayagan pa.
Na tumulo ang luha, sa iyong mga mata.
Pinangako sa sarili, 'di na muling mag susulat.
Ngunit eto ka't, biglang nabago ang lahat.
Binigyan mo ng ngiti, puso kong may sugat.
Kaya naman mahal kita, ito'y di masusukat.
Sa tuwing naiisip ang kulitan at saya,
Marami mang pagsubok, ni minsa'y di ka nawala.
Ilang beses nag away, muntikang isuko na.
Labis mang mapagtampo, napapangiti mo pa nga.
Lagi mo lang tatandaan, na ako'y andito lang.
Mahal na mahal ka. Lumabis wag kumulang.
Pag-ibig ko sayo, kailan ma'y di mapaparam.
Pagkat 'di natin kailangan ang salitang "paalam".
At dumating man ang panahong, tayo'y magkakalayo.
Parang buwan at araw, na 'di magtatagpo.
Asahan mong andito lang, sabik sayo yaring puso.
Hihintayin kita... 'yan ang aking pangako.
By: Clifford Vine C. Pia
Ang lupa ay binalot ng lagim at sakuna,
Na mistulang nilamon ng piligro at banta.
Nagkalat ang delubyo at gawang mapamuksa,
At ang langit at lupa, sa apoy inihanda.
Ang hanging may lason na labis na makamandag.
Ang sisira sa lipunan at s'ya ring bibihag.
Maging sa mga hayop,iyong maaaninag.
Mababakas ang takot, piligro at bagabag.
At ang bawat pangyayaring binatbat ng hula,
Na dadanak ang dugo at papatak ang luha.
At kahit saang sulok ay iyong makikita.
Digmaan at karahasan, mundo'y 'di payapa.
'Wag na nating hintaying sitwasyo'y bumuti pa.
Bago pa magtapat sa paglilingkod sa Ama.
Sa nalalabing oras tayo ay magtalaga,
Si Cristo ay darating, nasa pintuan na nga.
-By: Clifford Vine C. Pia
Repost: 97th Anniversary of Iglesia Ni Cristo
( Tribute to IGLESIA NI CRISTO )
Diyos ang umalalay, At s'ya mong naging gabay.
Sa harap ng kaaway, Ikaw ay nag tagumpay.
Sinakop ang kapuluan, Ibayong dagat nilakbay.
Palibhasa'y may hula at pangakong dalisay.
'Di ka nagpalupig sa banta ng sanlibutan.
Iyong pinatunayan, Na ikaw ang katawan.
'Di nag alinlangan at ika'y nanindigan,
Bagama't ikaw ma'y, mumunting kawan.
Ikaw ay Bayang Hinanap, Pinuno ng basbas.
Dumaan man ang hirap, Lalo kang lumalakas.
Sa Timugan at Hilagaan, ay iyong ipinamalas.
Na ikaw ang kawan, na s'yang ililigtas.
Bagama't may pang-uusig, Hindi ka naligalig.
Ikaw man ay niyurakan ng hindi kapanalig.
Bisig ay ini-unat at ikaw ay nag tindig,
Subukan mang ilugmok, ng buong daigdig.
At sa pag gunita ngayon ng 'yong kaarawan,
Aking naaalala, yaring aking kahalalan.
Sa iyong pagbangon, 'Di mo 'ko pinagsarhan.
Maligayang KAARAWAN... BAYANG 'DI PINABAYAAN!!!
by : CLIFFORD VINE C. PIA
Sa daang tinatahak, ikaw ba ay tiyak?
Baka aral na tinangkilik, ay isa palang tabak.
Halika! Magsuri. Ikaw'y magpa-unlak.
Buksan ang 'yong isipan, nang 'wag mapahamak.
Naitanong mo na ba, kung saan ang daan?
Halika! Ituturo. Ating pag-aralan.
Salita ng Diyos, dapat mong malaman.
Nang sa aral wag lumabis, 'ni magkulang man.
Sabihin man ng iba, "aral ay di mahalaga".
Ngunit batid kong, iba ka sa kanila.
Sa utos ng Diyos, ika'y may pagkilala.
Lamang, Katotohanan sayo'y hindi pa lathala.
Bayaang buksan ang 'yong puso't isipan.
Nang mapagtanto yaring katotohanan.
Sayo'y may malasakit, bilang kaibigan.
Dapat kang maging tiyak, bago ang kawakasan.
By: Clifford Vine C. Pia
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)